-- Advertisements --
Nasa 17 katao ang nasawi at marami ang nawawala matapos ang malakas na pag-ulan sa Indian Kashmir.
Sumentro ang malakas na pag-ulan sa bayan ng Chasoti sa Kishtwar district.
Karamihan sa mga nasawi ay grupo ng mga pilgrims na bumisita sa nasabing lugar.
Nagtulong-tulong na ang mga rescuers para hanapin ang mga naiulat na nawawala dahil sa malawakang pagbaha.