LAOAG CITY – Isasagawa mamayang hapon ang “Gabay Guro Teachers Fest 2020” na dadaluhan ng mga guro sa Ilocos Norte mula sa pribado at pampublikong paaralan sa Ilocos Norte Centenial Arena.

Ayon kay Dr. Joan Corpuz, schools division superintendent ng DepEd Ilocos Norte, sa umaga ay isasagawa ang seminar at training sa mga napiling guro.

-- Advertisement --

Ang tema ng seminar ay ”Surviving and Living a Teaching in a Technology Lead Classroom” at Financial Literacy.

Mamayang hapon ay mapapanood ang mga sikat na singers na sina Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Jonalyn Viray, Gabby Conception, Zephanie Dimaranan, Jaya at iba pa.

Maliban dito ay may raffle draw at ang mga premyo ay mga gadgets, technology equipment, major prize na P100,000 at iba pa.