LAOAG CITY – Ipinahayag ng tinaguriang “Long Jump Queen” ng Pilipinas at heptathlon champion na si Elma Muros-Posadas ang kanyang paghanga sa mga kabataang atleta na lumahok sa Palarong Pambansa ngayong taon.
Ayon kay Muros-Posadas, sa ilang araw pa lamang ng Palaro ay marami na agad ang nakapagbasag ng mga dating rekord, partikular na sa larangan ng athletics.
Binigyang-diin niya na itoy magandang senyales at ito ay patunay ng lumalaking bilang ng mga kabataang Pilipino na nai-inspire at nagnanais na paunlarin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng sports.
Bukod dito, ikinatuwa rin ni Muros-Posadas ang patuloy na pag-develop ng mga sports facility sa bansa, gaya ng Ferdinand Edralin Marcos Stadium sa lungsod ng Laoag.
Sabi niya Napakalaking tulong ng mga pasilidad sa paghasa ng galing ng mga atleta
Nagbigay rin siya ng payo sa mga atletang nangangarap makasali sa mas mataas na antas ng kompetisyon tulad ng Olympics at Southeast Asian (SEA) Games.
Paliwanag niya na Kailangan ng disiplina at determinasyon. Hindi lang sapat na magaling ang isanv atleta, dapat maabot din ang required record para makasali sa Olympics o SEA Games
Naniniwala si Muros-Posadas na maraming batang atleta ngayon ang may potensyal na makamit ito lalo pa at bata pa lang ang mga kalahok ng palarong pambansa ay nakakabasag na sila ng rekord, giit niya na kaunting ensayo pa at tiyak na kaya nilang makapasok sa Olympics.
Pinasalamatan din niya ang Philippine Sports Commission sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong masaksihan ang Palarong Pambansa.
Umaasa siya na mas marami pa siyang sporting events na masasaksihan at mga atletang matutulungan.