-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nasungkit ng Cordillera Administrative Region ang Overall Champion kung saan tinalo niya ang National Capital Region na nasa pangalawang pwesto sa Kyorugi Taekwondo.

Ayon sa mga gold medalists mula sa Cordillera Administrative Region na sina Aithan Raphael Ogoy, Jun Adrian Wagtingan at Chris Levi Culallad, hindi naging madali ang training ground nila dahil sa mainit na panahon.

Ikinuwento ng isa sa kanila na Grade 4 pupil pa lang siya nang magsimula siyang maglaro ng taekwondo habang ang dalawa ay parehong naenganyo sa paglalaro ng taekwondo ng kanilang mga kuya.

Parehong hindi nila inaasahan ang mga resulta dahil itinuring nilang mahirap at magagaling ang mga atletang kanilang kinatunggali.

Samantala, ipinaalam ni Mr. Arnold Oglayon, Coach ng Taekwondo ng Cordillera Administrative Region, limang beses na silang naging Overall Champion.

Dagdag pa niya, ang pangunahing kailangan ng mga atleta ay disiplina sa sarili lalo na sa pagsunod sa time management.