-- Advertisements --

Ibinahagi ng sexy actress Nathalie Hart ang dahilan ng paghihiwalayan nila ng asawang si Mayank Sharma.

Sinabi nito na nagkaroon ng cultural differences sila ng asawang Indian national.

Bukod pa aniya sa pagiging mas mature ito ng dalawang taon sa kanyang asawa.

Hindi na rin ito nagsalita kung magkakabalikan pa sila ng dating asawa.

Sa ngayon aniya ay nakatutok na muna ito sa kaniyang showbiz career.