-- Advertisements --
Nagkakaroon na ng improvements ang lagay ng kalusugan ng beteranang aktres na si Odette Khan.
Ayon sa anak nitonng si Claudette Tandoc, na bumubuti na ang kalusugan ng 79-anyos na aktres.
Mula pa noong Pebrero 21 ay nakaratay ito sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Maaring sa mga susunod na araw ay makakalabas na ito sa pagamutan.
Iniinda nito kasi ang sakit sa kaniyang kaliwang ribs kung saan sa diagnosis ay mayroon itong pneumonia, edema at emphysema.
Bukod pa dito ay ang paghina ng kaniyang puso at may nakitang tubig sa kaniyang baga.
Nagpasalamat ang anak nito dahil sa nawala na ang ilang mga sakit.
Patuloy na lamang ang gagawin nilang monitoring sa kalagayan ng beteranang aktres.
















