Hindi natatakot sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs ng pamahalaan.
Ito ang pahayag ni Senator Ronald Dela Rosa na dating Hepe ng PNP sa paggunita ng ika-31st Anibersaryo ng Philippine National Police (PNP).
“Kahit bitayin ako ngayon, walang problema,” sambit ni Sen. Dela Rosa.
Binigyang-diin ni Del Rosa na hindi niya pinagsisihan ang sinimulan na giyera kontra iligal na droga noong 2016 dahil kung hindi ito ipinatupad ay posibleng naging narco state na ngayon ang Pilipinas.
Inihalimbawa ng senador ang mga malalaking drug personalities na napigilan nila ang operasyon.
Tulad ng mga Parojinog sa Ozamis, Odicta sa Iloilo at Espinosa sa Leyte.
Paliwanag nya, dapat ipagpatuloy ang gyera kontra iligal na droga at paigtingin pa ito.
Hinikayat naman niya ang mga pulis na huwag magpagamit sa mga pulitiko lalo at malapit na ang eleksyon at sa kahit kaninong maimpluwensyang tao.