Christopher Bong Go
Bong Go/ FB image

CAGAYAN DE ORO CITY – Ikinagulat ni dating special assistant to the President at ngayo’y Sen. Christopher ‘Bong’ Go ang pagpaslang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro sa Cebu City.

Si Mayor Navarro ay tinambangan ng hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa van habang papunta ito sa korte para sa inquest proceedings bandang alas-2:00 nitong Biyernes ng hapon.

Nauna rito, inaresto at sinampahan ng kaso si Mayor Navarro matapos umano nito binugbog ang isang masahista.

Sa panayam ng Bombo Radyo, tumanggi si Sen Go na magbigay komento ngunit sinabi nito na mas mainam na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad.

Subalit kinumpirma ng senador na lumapit noon si Mayor Navarro kay DILG Sec Eduardo Año upang linisin umano ang kaniyang pangalan matapos itong mapasama sa narco-list ni Pres Rodrigo Duterte.