CAGAYAN DE ORO CITY – Mapagkumbaba na ipinagmalaki ni reigning Binibining Pilipinas Globe 2025 Annabelle Mae McDonnell na kakaiba ang mga taglay na katangian at ganda ng mga babae na nagmula sa Iligan City,Lanao del Norte.
Kasunod ito ng kanyang pagkapanalo sa 2025 Bb Pilipinas kung saan siya ang naatasan kakatawan ng Ms Globe na isagawa sa bansang Albania sa Oktobre nitong taon.
Sinabi ni McDonnell na ang kanyang pagkahirang bilang sa isa mga nanalo ng national pageant ay patunay na ubod ng ganda at talino ang kababaehan na nagmula sa Northern Mindanao.
Umapela ang 25 anyos na beauty queen na muling suportahan ang kanyang paglalakbay para sa pangalawang pagkakataon na ibabandera ang watawat ng Pilipinas sa international stage nitong taon.
Pinalitan ni McDonnell si 2024 Bb Pilipinas Globe Jasmin Bungay ng Pampanga na nagsilbi ring second runner up ng Ms Globe 2024 na ginawa sa Albania.
Napag-alaman na si McDonnell ay 1st runner up rin sa 2023 Ms Charm International maliban sa kanyang top spot winning sa local at national pageant competitions.