-- Advertisements --

Patuloy na nakaaapekto ang easterlies sa Northern Luzon ngayong araw, habang ang trough ng isang Low Pressure Area (LPA) ay nakakaapekto naman sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Ang naturang LPA ay matatagpuan sa layong 1,455 kilometro silangan ng Visayas.

Kabilang sa mga rehiyong apektado ng extension ng LPA ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Samantala, ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay nakakaranas ng epekto ng easterlies na nagdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan.

Pinaghahanda rin ang iba pang bahagi ng bansa sa posibilidad ng localized thunderstorms na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagdulot ng abala sa transportasyon.

Nagpaalala ang mga awtoridad na manatiling alerto at subaybayan ang mga abiso dahil sa paiba-ibang kalagayan ng ating panahon.