-- Advertisements --

Nagpasya ang girl group na SexBomb na kanselahin ang kanilang show sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa nararanasang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Rochelle Pangilinan ang lider ng grupo na kanilang ililipat sa ibang petsa ang nasabing show sa lugar.

Nakatakda sana ang kanilang show sa Marso 27 sa Dubai at sa Marso 28 naman sa Abu Dhabi.

Kasabay din nito ay masayang inanunsiyo na sa Marso 28 ay gaganapin ang isang konsiyerto nila sa Cagayan De Oro.

Naghahanda rin sila sa ilang show sa Visayas at ilang lugar sa Mindanao.

Nakatakda rin silang magshow sa US at Australia sa mga susunod na buwan.