-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Binigyang pagkilala ng National Police Commission 10 ang outstanding performance ng Police Regional Office 10 dahil natigayod nito ang ‘zero bloody election related incidence’ sa Northern Mindanao noong Mayo 12,2025.

Kasunod ito ng mapayapa at matagumpay na pagdaraos ng Commission on Elections ng 2025 midterm elections kung saan nakapagtala lang ang PRO 10 ng simpleng away o bangayan ng political supporters sa ilang mga kandidato sa Lanao del Norte subalit hindi nag-resulta ng anumang kaguluhan na naka-apekto sa buong proseso ng halalan.

Personal na ipinaabot ni NAPOLCOM 10 regional director Atty. Pablito Abad Jr ang kanilang pagkilala,pagpasalamat at pagsaludo sa lahat ng mga pulis at ibang government agencies na naging katuwang sa nabanggit na bahagi ng kasaysayan ng rehiyon.

Katunayan, binigyang pagsaludo rin nito ang 400 na pulis ng PRO 10 na nagsilbing special electoral board sa Lanao del Sur kung saan nakapagdagdag puwersa para maangkin ang pinakaunang pagkakataon na walang mga bayan na nagkaroon ng ‘failure of elections.