-- Advertisements --
Nakataas ang thunderstorm advisory sa apat na probinsiya ng Luzon ngayong araw ng Lunes, Hulyo 14.
Ito ay bunsod ng inaasahang katamtaman hanggang sa mabibigat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malalakas na hangin na mararanasan ngayong araw.
Kabilang sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng naturang masamang lagay ng panahon sa sunod na tatlong oras ay ang mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Cavite at Batangas.
Kaugnay nito, pinagiingat ang publiko sa posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng mga pag-ulan.
Sa ngayon, walang low-pressure area (LPA) na namataan sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).