-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ng kompanyang A Brown Company Incorporated na walang bahid ng anumang anomaliya ang tinanggap nila na joint venture agreement sa pagitan ng provincial government ng Misamis Oriental.

Kasagutan nito ni Atty. Antonio Soriano,legal counsel ng kompanya kung nakahanda ba sila na mai-depensa ang P2.5-B JVA kasama ang kapitolyo-probinsyal ng Misamis Oriental kasunod sa sinabi ni incumbent Governor Juliette Uy na mausisa kung ano ang nakapaloob sa pinasok na kasunduan ng dalawang panig.

Sinabi ng abogado na hindi sila agad tumanggap sa imbitasyon noon ni dating Misamis Oriental Governor Peter Unabia sa Public Private Partnership offer dahil inaral na mabuti ang lahat na mga aspeto sa papasukin na malakahing transaksyon.

Magugunitang nakasaad sa kasunduan na ipagamit ng kapitolyo ang ilang metro kuwadrado na government properties nito sa loob ng 25 taon at mayroong higit 10 porsyento sa kinikita nito ay mapupunta sa probinsya.

Napag-alaman na nais ni Uy na mabawi ang pinasok na JVA kung maaari pa dahil tutol ito na ipagbili ang lahat na government properties ng probinsya dahil sa taglay nito na historical values.