-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas nang nakabalik ang halos lahat ng mga pamilya na unang boluntaryo na nagsilikas sa mas ligtas na mga lugar mula tatlong bayan ng Misamis Oriental.

Kaugnay ito sa paghagupit ng walang hupay na pag-ulan na nagdulot ng ilang mga pag-apaw ng tubig-baha sa mga ilog na nakabase sa mga bayan ng Balingasag,Jasaan at Lagonglong na pawang nakabase sa unang distrito ng probinsya.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Office of the Civil Defense 10 regional director Antonio Sugarol na unang lumikas ang nasa 852 pamilya o 3,530 residente upang iwasan ang pag-apaw ng tubig-baha sa mga ilog na pumasok sa kanilang kabahayan.

Sinabi ni Sugarol na bagamat kaunting kabahayan lang ang totally damaged subalit ikinalungkot nila na nasawi naman ang isang lalaki na nagpumilit tumawid sa spillway ng Brgy Camuayan ng Balingsag dahilan na tinangay ng agos ng baha at wala ng buhay nang marekober ng rescue team kinaumagahan noong Agosto 31.

Sa kasaluluyan,nasa 15 pamilya na lang ang hindi pa nakabalik sa kanilang mga tahanan na unang pinasok ng baha epekto ng hanging Habagat na naka-apekto sa bahagi ng Northern Mindanao simula pa noong nakaraang Agosto 2025.