-- Advertisements --

Patuloy na inoobserbahan ang isang low pressure area (LPA) na namataan sa layong 335 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Batay sa pinakahuling data, maliit pa ang posibilidad na ito ay maging ganap na bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, patuloy na nakaaapekto sa Luzon ang easterlies o hangin mula sa silangan, na maaaring magdulot ng mainit at maalinsangang panahon sa ilang bahagi ng rehiyon.

Narito naman ang mga rehiyong posibleng maapektuhan ng LPA: Visayas, Bicol Region, Caraga, Quezon, Romblon, Camiguin at Misamis Oriental.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi.