-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tinawag ng isang labor lawyer na governance crisis ang sinapit na engineering failure kaugnay sa natuklasang bilyun-bilyong halaga ng kurapsyon sa pagpapatupad ng flood control projects sa bansa.

Ganito ang pagsalarawan ni Freedom of Free Workers (FFW) legal counsel Proculo Sarmen sa katakut-takot na nakawan ng buwis ng taumbayan mula sa mga kunyari government infrastructure projects kung saan iilang mga opisyal ng gobyerno lang ang naka-benepisyo.

Sinabi ni Sarmen na hindi na dapat mabigla ang taumbayan kung mayroong ganitong kalakaran na binaboy ng husto dahil matagal na itong pinagkunan ng pakinabang ng ilang corrupt government officials katuwang ang ilang mga personalidad mula sa pribadong sektor.

Inihayag sa Bombo Radyo nito na tila sadyang tila tinutukan kunyari ito ng gobyerno pero hindi bago ang ganitong usapin sapagkat nagsilbi rin siya na abogado noon ng isang kontraktor na mayroong transaksyon sa loob ng DPWH.

Magugunitang kaliwa’t kanan ang mga paglunsad ng imbestigasyon at namumuo rin ang pagkilos ng presidential independent investigation committee upang alamin umano ang nasa likod ng iskandalo para mapanagot sa pagtaksil ng totoong taumbayan.