-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ganado pa ng husto ang 9-year old arnis player ng Misamis Oriental na pagsikapan at pagbutihin pa ang kanyang performance upang maisakatuparan ang pangarap nito na mabilang sa roster ng national athletes para kakatawan sa Pilipinas sa international tournaments.

Ito ang pahayag ni Shayne Mark Monreal ng Initao Central School na kabilang sa delegasyon ng Northern Mindanao Regional Athletics Association matapos nasungkit nito ang apat na medalyang ginto sa sinalihan na magkaibang katergorya ng larong arnis sa Palarong Pambansa sa Laoag City,Ilocos Norte.

Sinabi ni grade 4 pupil na malaking motibasyon para sa kanya ang suporta ng buong pamilya at mga dibdiban na ensayo ng kanilang trainor na si Michael Jordan Abragan upang magtagumpay sa larangan ng arnis.

Inihayag nito na magsilbi itong malaking motibasyon hindi lang sa kanya subalit sa mga kasamahan rin nito na gumuhit ng kasaysayan sa Palarong Pambansa kung saan nakalikom sila ng walong gold medals sa larong arnis para sa NMRAA.

Banggit pa nito na sa mga mayroong gustong pumasok sa larong arnis at maglaro ng Palarong Pambansa, pagbutihin muna nila ang kanilang pag-aaral at balansehin ang trainings unang makamtan ang pinangarap sa buhay.

Magugunitang kabilang sa sinalihan at nakakuha ng gold medals si Mark ay ang Synchronized Likha Anyo – Single Weapon, Synchronized Likha Anyo – Double Weapon, Likha Anyo – Espada Edaga ug Mixed Double Weapon.