bong go on seagames
Senator Bong Go

Nagpasya si Senator Christopher ‘Bong’ Go na sumailalim sa self-quarantine.

Ito ay matapos na makasalamuha niya si ACT-CIS party-list Rep. Eric Go Yap na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi ng senador na bilang protocol sa isang indibidwal na nakasalamuha ang positibo sa virus ay susunod na lamang ito.

Dagdag pa nito, tumutulong na siya sa contact tracing sa mga nakasalamuha ng kongresista.

Nauna ng sumailalim sa COVID-19 test ang senador kasama si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na makasalamuha nila ang ilang sinasabing nadapuan ng virus.

Humingi na rin ng paumanhin si Rep. Yap sa mga nakasalamuha nito nang dumalo sa pagpupulong sa Palasyo noong Marso 21 at special session sa Congress noong Marso 23.