cropped DUTERTE BONG GO 1
-- Advertisements --

Inamin ni Sen. Christopher “Bong” Go na wala pa rin siyang pinal na desisyon kung tatakbo bilang pangulo sa 2022 elections.

Duterte Bong Go Davao iatf Philhealth
President Duterte with IAFT members meeting in Davao City (Photo from Sen. Bong Go)

Ito’y sa kabila ng kumpirmasyon ng PDP-Laban na tinanggap na umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon sa kaniya para sa pagka-bise presidente.

Ayon kay Go, pinag-aaralan pa rin niya ang sitwasyon hanggang sa panahong ito.

Una nang sinabi ng kampo ng senador na papayag lang itong tumakbo sa higher office, kung ka-tandem niya si Pangulong Duterte.

Pero maliban kay Go, lumulutang din ang pangalan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

-- Advertisement --

Gayunman, hindi ito kabilang sa PDP-Laban, kundi nasa Hugpong ng Pagbabago na isang regional political group.