Mines View Park Baguio City
Mines View Park, Baguio City (photo from www.pinoyadventurista.com)

(Update) BAGUIO CITY – Nahaharap na sa kasong panggagahasa ang isang security guard matapos ang umano’y panggagahasa nito sa isang Korean national sa Camp 7, Baguio City.

Ang suspek ay 20-anyos, isang binata at residente ng Upper Brookside, Baguio City habang ang Koreanang biktima ay 21-anyos.

Batay sa blotter, uminom ng alak ang biktima at pagkatapos ay umuwi na ito sa kanyang tinutuluyan ngunit sa sala ito nakatulog.

Nakalimutan umano ng biktima na isara ang pintuan kaya’t sinamantala ng suspek ang pumasok sa tinitirhan ng biktima.

Dito umano ginahasa ng suspek ang dayuhang babae.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng medico legal ng biktima.