-- Advertisements --

Muling naglabas ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng mga panuntunan para tulungan ang publiko sa pagbabantay laban sa mga scams.

Ayon sa SEC na sa mga makabagong teknolohiya gaya ng deepfakes at artificial intelligence ay dumami ang bilang ng mga scams.

Gamit aniya ng mga makabagong teknolohiya ay kinukuha nila ang video ng mga sikat at kilalang negosyante sa bansa para mapaniwala ng mga scammers na totoo ang kanilang inaalok na negosyo.

Ilan sa mga dapat tignan ng publiko kung mayroon bang tunay na logo at opisyal na organisasyon ang grupo.

Mahalaga na tignan ng publiko ang video na hindi tumutugma sa mga galaw ng labi at salita.