KORONADAL CITY – Nagbabala ang South Cotabato PNP sa mga investors ng Kabus Padatuon Investment Scam (KAPA) na bawiin na nila ang kanilang mga in-invest na pera.

Ito ay kasunod ng pag-deputize na ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa PNP, National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga law enforcement agencies sa pagpapatupad ng Cease and Desist Order (CDO) laban sa KAPA.

Ayon sa hepe ng South Cotabato PNP na si P/Col. Joel Limson, bilang alagad ng batas, responsibilidad ng PNP na ipasara ang KAPA base na rin sa kautusan ng isa sa mga pinakamakapangyarihang ahensiya ng gobyerno na nangangasiwa sa kapakanan ng mga investors.

Pahayag pa nito na anumang oras mula ngayon ay posibleng magsagawa na sila ng operasyon upang ipatupad ang CDO laban sa KAPA investment scam.