-- Advertisements --

Lumahok ang mga delegado ng Korte Suprema sa ginanap na Appellate Judges Education Institute 2025 Summit.

Isinagawa ang pagtitipon sa Renaissance Minneapolis Hotel sa Minnesota noong nakaraang buwan.

Ang mga delegado sa Pilipinas ay inimbita ni Robert J. Torres Jr. mula sa Korte Suprema ng Guam.

Kabilang sa mga nagtalumpati sa nasabing pagtitipon ay si Ramon Paul L. Hernando.

Nakibahagi ito sa mga usapin at talakayan hinggil sa mga pagsusuri sa digital evidence sa mga Court of Appeals cases.

Pinag-usapan rin ang ilang usapin at mga patakaran ng Pilipinas sa pagsusuri sa mga audio at video bilang ebidensya.