Namahagi ng tulong ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga referees, table officials at ibang mga basketball staff na naapektuhan ng novel coronavirus pandemic.

Sinabi ni SBP executive director Sonny Barrios, nagbigay sila ng financial assistance sa mga nabanggit na referees, table officials hanggang sa mga nag-oorganisa ng mga paliga sa barangay.

Aabot aniya sa P150,000 kada rehiyon ang kanilang naipamahagi.

Pinili ng mga regional directors ang mga nabigyang ng tulong ng kanilang grupo.

Bukod aniya sa cash na P3,000 ay may mga grocery items pa na natanggap ang mga basketball officials.