Naka-alerto ngayon ang Police Regional Office-2 (PRO-2) matapos matatagpuan ang sa dalampasigan ang mga hinihinalang shabu sa Batanes noong Hunyo 19, pati narin ang iba pang mga insidente ng iligal na droga sa buong probinsya ngayong buwan.
Ayon kay Police Brig. Gen. Antonio Marallag Jr., hepe ng PRO-2, binigyan ng papuri ang mangingisda na nag-ulat ng mga kontrabando dahil sa kanyang honesty at integridad. Ani pa Marallag, na nagpapakita ito ng kahalagahan ng pagtutulungan ng mga mamamayan at kapulisan laban sa drug menace.
Ang Project S.P.I.E.S. o Strengthening Port Interdiction to Enhance Security ay isang inisyatiba na nilikha ni Marallag upang tiyakin ang seguridad sa mga coastal at port areas ng Region 2 laban sa smuggling, drug trafficking, at iba pang mga transnational crimes. Layunin nitong palakasin ang maritime interdiction, magsagawa ng mga operasyon batay sa impormasyon, at magtulungan ang mga ahensya at mga komunidad sa pagpigil ng iligal na droga.
Pinayuhan din ni Marallag ang mga tao na agad mag-ulat ng mga kahina-hinalang bagay o aktibidad sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang komunidad.
Sa ibang banda una ritong natuklasan ng mga mangingisda ang isang sako na naglalaman ng 25 vacuum-sealed plastic packs ng hinihinalang shabu na may halagang P170 million noong Hunyo 25, at ito ay isinurender na sa Batanes police.
Ayon kay Police Major Sharon Mallillin, tagapagsalita ng PRO-2, natuklasan ang mga iligal na droga sa Sitio Malatanyud sa Barangay Chanarian sa Basco bandang alas-5:30 ng hapon noong Hunyo 19. Agad nitong inabisuhan ang kanyang barangay chairman, at pagkatapos ng anim na araw, ini-turn over ang mga kontrabando sa kapulisan.
Ang mga droga ay nakabalot sa tatlong klase ng packaging, transparent vacuum-sealed plastic, tea packs na may label na “Daguanyin refined Chinese tea,” at mga transparent na plastic bags.
Sa ngayon, ang mga ebidensya ay nasa Basco Police Station at sasailalim sa inventory, markings, at forensic examination kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).