Isinusulong ni Parañaque 2nd District Representative-elect Brian Raymund Yamsuan na gawing mandatory sa mga commercial establishment ang pag-install ng closed-circuit television (CCTV) systems sa loob at labas ng premises ng kanilang mga establishments.
Ito ay bilang suporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad.
Ayon kay Yamsuan, sa pagbubukas ng 20th Congress, maghahain siya ng panukalang batas na gawing mandatory na sa mga business establishments ang paglalagay ng CCTVs.
Partikular na ire-require ang mga establishments na mayruong 20 workers o pataas at ang kanilang daily transactions ay aabot sa P50,000 pataas kada araw.
Required lagyan ng CCTVs ang kanilang entrances at exits at sa loob ng workplace.
Naniniwala si Yamsuan na malaki ang maitutulong ng private sector para palakasin ang anti-crime campaign ng gobyerno.
“ Installing CCTVs in strategic locations in and around commercial establishments will help ensure public safety as these tools have been proven to be effective in deterring, detecting and solving crimes,” pahayag ni Yamsuan.
Sa nasabing panukala na ihahain ni Yamsuan, sakop nito ang mga restaurants, hospitals, malls, shopping centers, movie houses, theaters, supermarkets, groceries, entertainment centers, office buildings, warehouses, at cockpit arenas.
Sa ilalim ng nasabing panukala, obligasyon ng mga business establishments na i-maintin ang kanilang CCTV at siguruhing 24 hours, seven days a week itong gumagana.
Siniguro ni Yamsuan na sa ilalim ng proposed legislation may probisyon dito kaugnay sa data privacy and confidentiality.
Ang sinumang lalabag may karampatang parusa na kahaharapin.
Dagdag pa ni Yamsuan bilang miyembro ng House Committee on Public Order and Safety ng 19th Congress, sinabi ni Yamsuan na may mga pagkakataon na iprinsinta sa panel ang ilang CCTV footage lalo na sa isinagawang buy-bust operations.
Inalala din ni Yamsuan na dating opisyal ng DILG ang paglabas ng ahensiya ng memorandum circular nuong 2014 at 2022 kung saan hinikayat ang mga siyudad at bayan na i-require ang pag install ng CCTVs sa mga business establishments gaya ng banks, malls at iba pang mga matataong lugar.
Ipinagmamalaki ng mambabatas na compliant dito ang kaniyang siyudad ang Paranaque City.