-- Advertisements --

Kinumpirma ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na mayroong “positive development” sa 2023 Performance-Based Bonus ng mga DepEd teachers.

Sa pagtatanong ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Representative Antonio Tinio, humingi siya ng kumpirmasyon mula sa DBM kung totoo bang may magandang balita para sa mga guro patungkol sa kanilang PBB.

Matatandaan na unang idineklara na ineligible ang DEPED para sa 2023 PBB dahil sa mababang grado sa ilang performance indicators.

Ngunit naghain ng requeast for review para ito ay mabago.

Sabi ni Sec. Pangandaman, hinihintay na lang ang pirmadong resolusyon mula sa technical working group upang mailabas ang pondo para dito.

Apela naman ni Tinio na sana ay gawing mabilis ang pag proseso dito upang matanggap na ng mga guro ang kanilang matagal nang hinihintay na benepisyo.