-- Advertisements --

Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit P6.4 million sa paunang humanitarian assistance para sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Uwan.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Ratchalian, ang tulong ay binubuo ng family food packs (FFPs) at iba pang non-food items na naka-prepositions sa iba’t ibang hub at last-mile warehouses.

Bukod dito nasa dalawang milyon FFPs narin ang nakahanda sa buong bansa bago pa man tumama ang bagyo nitong nakaraang weekend. Inihayag pa ng opisyal na patuloy na tataas ang halaga ng tulong habang nagpapatuloy ang distribusyon sa mga lokal na pamahalaan.

Samantala, aprubado narin ng Department of Budget and Management (DBM) ang pag-release ng P631.023 million para sa DSWD bilang replenishment ng Quick Response Fund, kasunod ng P1.982 billion release noong Oktubre para sa parehong layunin.

Binanggit ni Gatchalian na ang mga rehiyon ng Bicol, CARAGA, at Central Visayas ay kabilang sa mga nangangailangan ng karagdagang FFPs. Magsisimula ang replenishment ng mga relief items sa Miyerkules, Nobyembre 12, upang agad na maipamahagi sa mga field offices ng DSWD.