-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mga panuntunan para sa pag-implementa ng adjustments sa mga sahod at subsistence allowance ng lahat ng military at uniformed personnel (MUP).

Ayon kay DBM Acting Secretary Rolando Toled na kanilang kinokomendahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pag-apruba ng taas sahod at subsistence allowance ng mga uniformed personnel na itinataya ang buhay para mailigtas ang mamamayan.

Tiniyak nito na gagawin nila ang lahat para mailabas ang guidelines na sumasang-ayon sa kautusan ng Pangulo na magsisimula ito sa Enero 1, 2026.

Kasama sa increase ay ang MUP mula sa Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections at National Mapping and Resource Information Authority.