-- Advertisements --
Nagtakda ang Department of Budget Management (DBM) ng P1.3-trillion na pondo para sa infrastructure projects ngayong taon.
Ayon kay Budget Secretary Rolando Toledo na mayroong 4.3 percent na infra spending target ang gobyerno sa gross domestic product.
Pagtitiyak niya na wala ng mga maituturing na ghost projects sa mga itinakdang infra spending.
Magugunitang noong 2025 ay naglaan ang DBM ng P1.507 trillion o 5.2 percent ng GDP para sa public infrastructure programs kung saan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nakatanggap ng malaking pondo na aabot sa P1-trilyon.
















