Pormal nang inilunsad ng Department of Education (DepEd) at Department of Transportation (DOTr) ang isang pambansang programa na nagbibigay ng 50% diskwento sa pamasahe ng mga estudyante sa MRT at LRT.
Ayon sa DepEd, ang programang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagaanin ang gastusin sa edukasyon at tatakbo hanggang taong 2028.
Sakop ng diskwento ang mga estudyante mula kindergarten hanggang graduate school, pati na rin ang mga nasa Alternative Learning System (ALS) at Special Education (SPED).
Walang ring limitasyon sa bilang ng sakay kada araw o buwan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, malaking tulong ito sa bawat Pilipinong pamilya, dahil ang matitipid sa pamasahe ay maaaring magamit sa pagbili ng mga aklat at gamit pang sa eskwelahan.
Kinumpirma naman ng DOTr na ipinatutupad ang diskwento sa lahat ng linya ng tren sa Metro Manila. May mga pilot program din ng libreng sakay sa mga piling ruta sa Cebu at Davao gamit ang modernong jeep at bus.
Magsisimula sa Setyembre ang pamimigay ng puting Beep card para sa mga estudyante, na awtomatikong mag-aapply ng diskwento upang hindi na pumila para sa single-journey tickets.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid school ID o enrollment form upang makakuha ng diskwento.