Batay sa ulat ng Congressional Policy and Budget Research Department o CPBRD ng House of Representatives, inaasahang uutang ang gobyerno ng P2.7 trillion para pondohan ang “fiscal deficit” na P1.6 trillion para sa panukalang 2026 National Budget.
Kung may deficit, mas malaki ang gastos kaysa sa pondo ng gobyerno. At ang karaniwang solusyon ay ang pag-utang upang mapunuan ang kakulangan.
Batay sa pag-aaral ng Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) P2.1 trillion ang uutangin sa domestic sources; habang nasa P627.1 billion naman ay magmumula sa labas ng bansa sa pamamagitan ng program loans, project loans, bonds at iba pa.
Ibig sabihin, 77% ay domestic borrowings, at 23% naman ay mula sa foreign firms.
Mula noong 2022 hanggang 2024, nasa 75% ng mga inuutang ng pamahalaan ay mula sa domestic sources.