-- Advertisements --

Kinumpirma ng supreme leader ng Iran na ilang libong protesters na ang nasawi.

Sinabi ni Ayatollah Ali Khamenei na sa mahigit na tatlong libong mga nasawi ay isinsi pa nito ang kanilang pagkamatay dahil sa banta ng US.

Base kasi sa pagtaya ng US-based na Iranian Human Rights Activists News Agency (HRANA) ay mayroong mahigit 3,090 na mga aktibista ang nasawi.

Una ng hinikayat ni US President Donald Trump ang mga protesters na ipagpatuloy lamang ang kanilang pagsasagawa ng kilos protesta at nagbanta pa na makikialam ang kanilang militar kapag pinatay nila ng mga protesters.

Dagdag pa ni Khamenei na ikinokonsidera nila si Trump bilang kriminal dahil sa casualties , damyos at slander na ginawa sa Iran.

Nagsimula ang kilos protesta noong Disyembre 28 dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng Iran.