Nawasak ng US military ang naval ships ng Iran kabilang ang 16 na minelayers o barkong naglalagay ng mina malapit sa Strait of Hormuz, na pinakamahalagang lagusan sa buong mundo para sa one-fifth ng mga binibiyaheng krudo.
Ang naturang strikes ay parte ng military action sa bansa, kung saan nagbabala si US Secreary Pete Hegseth ng mas matinding pang mga pag-atake.
Base sa ulat, naniniwala ang US intelligence assets na naghahanda ang Iran para sa posibleng pagpapadala ng naval mines sa Strait of Hormuz sa hinaharap.
Kinumpirma naman kalaunan ni US President Donald Trump na natamaan at ganap nilang nasira ang ilang bilang ng inactive mine laying boats at mga barko.
Samantala, inakusahan naman ng Iran Ambassador to the United Nations ang Amerika at Israel ng sadyang pag-target sa mga sibilyan, kung saan kumitil na ang mga inilunsad nilang strikes ng mahigit 1,300 katao mula nang sumiklab ang digmaan noong Pebrero 28.















