Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kumikilos ang pamahalaan upang matiyak na may mananagot sa nangyaring pagguho ng landfill sa Balamban, Cebu City.
Kasabay nito ang pagpapaabot ng pakikiramay ng Pangulo sa mga nasawi at kanilang mga pamilya.
Ayon sa Pangulo, nagpapatuloy ang search and rescue operations sa lugar.
Sinimulan na rin aniya ang pagbibigay ng burial support at iba pang uri ng tulong sa mga pamilyang apektado ng trahedya.
Hinimok din ng Punong Ehekutibo ang publiko na magkaisa sa panalangin para sa mga pumanaw at sa mga naiwang nagluluksa.
Nanawagan din ang Pangulo ng pagkakaisa at malasakit sa gitna ng trahedya, at tiniyak ang patuloy na tulong ng pamahalaan sa mga naapektuhan.
Nag-alay ng ilang minutong katahimikan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga biktima ng pagguho na ikinasawi ng hindi bababa sa 20 katao.










