Inihayag ng Malakanyang na dahil sa pandaigdigan at lokal na kaganapan ang dahilan sa pagsadsad ng Piso kontra dolyar.
Sa ngayon kasi umabot sa P59.44 ang piso sa dolyar.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, patuloy ang koordinasyon ng Pangulo at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na kasalukuyang nagbabantay sa galaw ng palitan ngunit hindi pa nakikitang kailangan ang agarang intervention.
Sinabi ni Castro, may mga hakbang na ipinatutupad ang gobyerno kabilang ang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pagsuporta sa pamumuhunan, at pagpapalakas ng mga sektor ng ekonomiya upang maibsan ang epekto ng paghina ng piso.
Aminado si Castro na mayruong epekto sa merkado ang patuloy na imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects, ngunit iginiit na mas pinili ng Pangulo ang paglilinis ng pamahalaan upang palakasin ang tiwala ng publiko at mga mamumuhunan.
Aniya, ang pananagutan at transparency ay mahalagang hakbang upang muling mapatatag ang ekonomiya.










