Nagbigay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng ₱5 milyong tulong para sa pag-upgrade ng Cebu Provincial Hospital sa Balamban at namahagi ng kagamitang medikal upang mapalakas ang serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.
Sa pamamahagi ng tulong pinansyal at kagamitan, binigyang-diin ng Pangulo ang kanyang dedikasyon sa pagpapalawak ng access at pagtiyak na maaasahang serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na komunidad.
Tumanggap din ng x-ray at ultrasound machines ang ilang ospital sa Cebu, habang sinaksihan ng Pangulo ang pagpapatupad ng zero balance billing policy ng PhilHealth.
May ₱17.39 bilyon na pondo ang programa sa 2026 budget.
Inanunsyo rin ng Pangulong Marcos ang paglulunsad ng GAMOT program upang mapalawak ang access ng mga Cebuano sa abot-kayang medisina.










