-- Advertisements --

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Ferdinand. Marcos Jr. sa karagdagang pondo sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Tniyak ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Rommel Roldan na patuloy ang serbisyo at sakripisyo ng mga sundalo para sa kapayapaan at seguridad ng bansa. 

Aniya, ang mas mataas na badyet lalo na para sa basic pay at subsistence allowance ay pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo at kanilang pamilya at magsisilbing inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang kanilang tungkulin.

Siniguro ng AFP na mananatili itong propesyunal at patuloy na magsasakripisyo para sa kapayapaan at seguridad ng bansa, bilang pagkilala rin sa tiwalang ipinagkaloob ng pamahalaan at ng sambayanang Pilipino.

Samantala, sa panig ni PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tumaas ng 10 porsyento ang badyet ng PNP, mula ₱205 bilyon noong nakaraang taon ngayon nasa ₱226 bilyon.

Binigyang-diin ni Nartatez, gagamitin ang pondo upang palakasin ang mga programa para sa kaligtasan ng publiko at mas mahusay na serbisyong pulisya.

Siniguro ni Nartatez na nananatiling nakatuon ang PNP sa reporma.