-- Advertisements --

Patay ang limang skiers matapos ang naganap na dalawang avalanches sa Salzburg Pongau region ng Austria.

Apat sa mga dito ay nasawi sa snow slide sa Gastein Valley ng south Salzburg kung saan sugatan ang dalawang katao.

Matapos ang 90 na minuto ay isang babaeng skiers ang nabaon sa ilalim ng avalanche malapit sa Bad Hofgastein area na may taas na 2,200 meters.

Rumesponde ang apat na helicopters, mountain rescues at Red Cross dog team sa mga biktima.

Dahil dito ay pansamanatalang isinara ng otoridad ang lugar hanggang tuluyang mailabas ang mga biktima.