Jordan Heading
-- Advertisements --

Sinulatan na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang FIBA at ang T1 League ng Taiwan.

Ito ay matapos ang paglabas ng balitang paglalaro ni Gilas Pilipinas player Jordan Heading sa Taichung Suns ng Taiwan.

Sinabi ni SBP President Sonny Barrios na mayroong pinirmahang kontrata si Heading sa Gilas Pilipinas ng hanggang Marso 2023.

Kasama rin ang pinirmahang kontrata nito sa PBA team na Terrafirma noong Marso.

Dagdag pa ni Barrios na hinihintay pa lamang nila ang magiging tugon dito ng FIBA.

-- Advertisement --