-- Advertisements --

Tinanggal na ng Saudi Arabia ang mandatory quarantine sa mga dayuhan na naturukan na COVID-19 vaccine na dumarating sa kanilang bansa.

Pinagbabawalang makapasok pa rin mga nasa bansa gaya ng India, Britain, Germany, France, US at United Arab Emirates.

Ayon sa civil aviation authority (GACA) na mula Mayo 20 ang mga non-Saudi visitors na mula sa mga eligible countries na fully vaccinated o gumaling mula sa COVID-19 ay hindi na sasailalim sa pitong araw na quarantine.

Sa kasalukuyan kasi ay lahat ng mga dumarating sa Saudi Arabia ay dapat sumailalim sa 14 na araw na quarantine at magpakita rin sila ng mga negative PCR tests.