-- Advertisements --
Hinamon ni Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila de Lima si dating Ako Bicol Party-List Representative Elizaldy Co na umuwi at harapin ang imbestigasyon ukol sa kinasasangkutan niyang anomalya sa flood control projects.
Dagdag pa ni De Lima na dapat ay sumailalim sa panunumpa si Co para magamit sa imbestigasyon ang kaniyang pahayag.
Magugunitang isinawalat ni Co na ipinag-utos umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagsingit ng P100-Bilyon na halaga ng proyekto.
Nasa ibang bansa si Co matapos na iniimbestigahan ito na may kinalaman sa anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
















