-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nagpatupad ng forced evacuation ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) Malay, Aklan, linggo ng gabi dahil sa high tide kung saan, pinangambahan na tumaas ang water level sa mga low lying at coastal areas na makaapekto sa kaligtasan ng mga residente.

Ayon kay Catherine Fulgencio, MDRRMO head ng LGU Malay, kaagad nilang inilikas ang mga nasa mababang lugar dahil sa naranasan narin na mga pabugso-bugsong ulan dulot ng Super Typhoon Uwan kung saan, isinailalim sa tropical cyclone wind signal number 1 ang buong lalawigan Aklan.

Kaugnay nito, isinailalim rin ang ahensya at iba pang monitoring teams sa red alert status upang kaagad na makatugon sa oras ng emerhensiya.

Maliban ditto, mahigpit rin silang nakamonitor sa mga aktibidad sa mga baybayin matapos na may ilang bahagi ng dagat sa isla ng Boracay na ipinagbabawal ang paliligo kung malakas ang alon.

Gayundin, kanselado ang mga water sports activities para sa kaligtasan ng mga turista, bisita at bakasyunista.

Samantala, may mga pagkakataon na ikinakansela ng Philippine Coast Guard (PCG) ang byahe mula sa Caticlan jetty port patawid sa isla ng Boracay vice versa dahil sa hindi maganda na weather condition para narin sa kaligtasan ng mga byahero.