-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ‘restoration’ ng telekomunikasyon sa ilang mga lugar apektado ng hagupit ng bagyong Uwan.

Bagama’t malakas ang bagyo, tuloy pa rin anilang unti-unting ibinabalik ang serbisyo ng komunikasyon o telco services sa bansa.

Sa impormasyon ibinahagi ng kagawaran, inihayag nitong buong Metro Manila ay mayroon nang normal na koneksyon sa kabila ng pananalasa ng bagyo.

Ngunit ang Hilagang Luzon, at Bicol Region ang nananatiling pinakaapektado nang mawalan ng kuryente at masira ang ilan fiber lines.

Gayunpaman, pagtitiyak ng DICT na 24/7 ang restoration work ng mga telco companies katuwang ang National Telecommunications Commission upang maibalik ang serbisyo.

Target anilang ma-restore ang serbisyo ng telekomunikasyon sa lahat ng rehiyon sa loob ng susunod na 24-48 oras.