-- Advertisements --

Pumayag na ang Kingdom of Saudi Arabia na sagutin ang sahod ng nasa 10,000 na overseas Filipino workers (OFW) na hindi nasahuran mula pa noong 2015 dahil sa pagsara ng mga kumpanyang kanilang pinapasukan.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople na na mayroong inilaan ang Saudi Crown Prince ng 2 billion Riyals para sa mga displaced workers.

Itinuring ng Saudi Crown Prince Mohammed bin Salmanna isa itong regalong ibinigay niya sa mga OFW.

Dagdag pa ng kalihim na kabilang sa babayaran ang mga kumpanyang Saudi OGer, MMG at Bin Laden group at ilang construction companies na nagdeklara ng bankruptcy mula 2015 at 2016.

Labis naman ang kasiyahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng malaman ang balita at itinuring na isa itong pinakamagandang balita.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay nagkaroon ng pag-uusap ang DMW at mga opisyal ng Saudi Arabia ukol sa hindi pa pagbabayad sa mga OFW na nagbunsod sa pagpapatupad ng bansa ng pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa sa Saudi Arabia.