Suportado ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang rekomendasyon ng mga siyentista sa rehabilitasyon ng bahura at pagpapanagot sa mga responsable sa ilalim ng batas ng Pilipinas
Ito ay kasunod ng idinulot na pinsala ng pagsadsad ng Chinese maritime militia vessel dahil sa masamang lagay ng panahon nito lamang Hunyo malapit sa Pag-asa reef 1, na tinatayang nasa 2.6 kilometers mula sa silangan ng Pag-asa Island.
Nadiskubre naman ng mga diver at marine scientist mula sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) nang puntahan nila ang lugar noong Hunyo 17 ang malaking parachute anchor na nasa lalim na siyam na metro na nakasaklop sa coral reefs, na ayon sa marine scientist ang ganitong pinsala ay matinding makakaapekto sa coral ecosystem.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng task force na nananatili silang committed sa pagprotekta sa West Philippine Sea, pagpreserba sa ating marine ecosystems, at sa kapakanan ng mga komunidad na dito nakadepende ang kabuhayan.