Nasangkot sa aksidente ang sasakyan ni British Prime Minister Boris Johnson pagkalabas nito sa Houses of Parliament.

Nangyari ang insidente matapos ang pagdalo ni Johnson sa session at paglabas nito sa Downing Street ay bigla na lamang itong hinarang ng grupo ng mga nagpoprotesta kaya agad na naihinto ang sasakyan at tinamaan ang likurang bahagi ng sasakyan nito ng sasakyan ng mga security niya na sumusunod sa kaniya.

Ayon naman sa tagapagsalita nito na nandoon sa loob ang prime minister.

Sa inilabas na imbestigasyon ng London’s Metropolitan Police bigla na lamang umano hinarang ng isang tao ang sasakyan ni Johson kaya agad itong napahinto.

Agad namang inaresto nila ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Public Order at obstructing the highway.