Phivolcs
Phivolcs

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Sarangani province.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) , ang epicenter ng lindol ay 17 kilometers east ng bayn ng Maasim.
May lalim ang lindol ng 49 kilometers dakong 11:38 p.m. ng Huwebes.

Naramdaman din ang intensity 5 sa Maasim, Glan at Malapatan sa Saranggani; Tupi, South Cotabato, General Santos City; Palimbang sa Sultan Kudarat.

Intensit 4 naman ang naramdaman sa Jose Abad Santos, Malita at Saranggani, Davao Occidental, Koronadal City.

Intensity 3 naman sa Davao City, Maco at Mawab, Davao de Oro.