-- Advertisements --

Hiniling ng House prosecution panel sa Senate Impeachment Court na simulan na ang paglilitis kasunod ng inihaing tugon sa Answer ad cautelam ng kampo ni impeached vice president sara Duterte.

Kasama rin sa hiling ng  prosekusyon na huwag katigan ng korte ang hiling ng kampo ng bise na ibasura ang trial.

Para sa prosekuyson ang naging tugon ng depensa ay puno lamang ng false statements at misrepresentations.

Ayon kay Atty. Atonio Bucoy, maituturing na walang depensa ang bise presidente sa kaniyang Answer Ad Cautelam na puro ‘general denial’ at hindi nasagot ang factual allegations laban sa kaniya.

Kaya para kay Bucoy, sapagitan ng answer ad cautelam ng bise presidente at inihaing impeachment complaint, ang scrap of paper ay ang tugon ng bise.

Naniniwala naman si Bucoy na ang pagbabasura sa impeachment ang direksyong nais tahakin ng depensa lalo at ang mga teknikalidad na kanilang sinasabi ay makailang ulit nang nasagot ng prosekusyon.

Kabilang na dito ang one year bar rule na hindi naman nalabag, kawalan ng due process, pagiging continuing body ng Senado at valid na articles of impeachment.